Aabot sa ₱9.3 milyong halaga ng smuggled na agricultural products ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Subic sa Zambales.
Kasunod ito ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan sa tinatawag na border protection at smuggling partikulat sa mga produktong pang-agrikultura.
Ang 17 na 20-footer container van na nasabat ay misdeclared na frozen jam subalit naglalaman ng carrots at broccoli at naka-consign sa Zhenpin Consumer Consumer Goods Trading
Katuwang sa isinagawang inspection ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), National Bureau of Investigation at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).
Agad na kinumpiska ang kontrabando dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.
Facebook Comments