₱93-B pondo, kakailanganin ng DA para sa post-harvest facilities

Aabot sa ₱93-B na pondo ang kakailanganin ng Department of Agriculture (DA) para sa pagtatayo ng post-harvest facilities.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., na sa ganitong paraan ay maisasalba ang ₱10.7 bilyon na lugi dahil sa mga nasasayang na palay at mais.

Nakapaloob din aniya sa three-year plan ng ahensya ang pagpapatayo ng cold storage facilities sa ilang parte ng Luzon bilang tugon na rin sa oversupply.


Paliwanag pa ni Laurel, na kung maresolba ito sa taong 2025 ay mangangailangan pa sila ng karagdagang ₱5 bilyon para naman sa vegetable storage facility sa buong bansa.

Bukod dito ay target din ng DA na magtatayo ng post-harvest facility sa Dingras, Ilocos Norte na mayroong 120 metric tons capacity.

Plano din nilang magtayo ng pasilidad sa Concepcion, Tarlac; Dumangas, Iloilo at Musuan Maramag, Bukidnon.

Facebook Comments