π€π’π”πŠπ€π‹ 𝐀𝐓 ππ€ππ‚πˆπ“ π‚π€ππ“πŽπ, ππˆππ€πŠπ€π– 𝐒𝐀 π†π‘πŽπ‚π„π‘π˜ π’π“πŽπ‘π„; π’π”π’ππ„πŠ π€π‘π„π’π“π€πƒπŽ

23
Arestado ang isang babae matapos mahuling nagnakaw sa isang grocery store sa Cabaruan, Cauayan City.

Kinilala ang suspek na si Rose Dally Asuncion Asis, 42 taong gulang, may asawa, walang trabaho at residente ng Minante 1, Cauayan City habang ang may-ari naman ng grocery store ay si Ginang Media Rivera Rebana, 40 taong gulang, negosyante at residente naman ng Lucas Subdivision,San Fermin, Cauayan City.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan sa PNP Cauayan, hinarang ng mga tauhan ng grocery store ang babae sa pinto matapos makitang nagsuksok ng mga paninda sa kanyang shoulder bag ngunit di nag bayad.

Tinangkang ipuslit ng suspek sa kanyang bag ang 1 kilong pulang asukal, 2 piraso ng pancit canton, kalahating kilong sibuyas at 3 pirasong bawang na umabot sa halagang 186 pesos.

Nahaharap ang suspek sa kasong pagnanakaw na kalauna’y nakalaya matapos mag lagak ng piyansang nagkakahalaga ng 6,000 pesos.

Facebook Comments