𝐁𝐀𝐒𝐔𝐑𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐀𝐆𝐀𝐃 𝐍𝐀𝐊𝐎𝐊𝐎𝐋𝐄𝐊𝐓𝐀, 𝐏𝐑𝐎𝐁𝐋𝐄𝐌𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐑𝐆𝐘. 𝐒𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐓𝐎𝐍𝐈𝐎

CAUAYAN CITY- Isa sa problemang matagal ng suliranin ng Barangay San Antonio ay ang mga basurang hindi agad nahahakot sa kanilang lugar.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Brgy. Captain Roosevelt Perido Jr., dalawang linggo ng hindi nahahakot ang kanilang mga basura.

Aniya, punong-puno na ng basura ang kanilang mga Material Recovery Facility kung saan nagtitiis na lamang ang mga ito at naghihintay na hakutin ang mga basura.


Dagdag pa nito, hindi ito ang unang pagkakataon na hindi agad nahahakot ang kanilang mga basura at base sa kanyang pakikipag-usap sa mga karatig-barangay ay nakararanas rin ng parehong problema.

Sa ngayon, hindi pa naisasangguni ang kanilang problema sa kompanyang naghahakot ng mga basura.

Facebook Comments