𝐅𝐎𝐑𝐌𝐄𝐑 𝐑𝐄𝐁𝐄𝐋𝐒, 𝐁𝐈𝐍𝐈𝐆𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐓𝐑𝐀𝐁𝐀𝐇𝐎 𝐍𝐆 𝐏𝐆𝐂

CAUAYAN CITY- Unti-unti nang bumabalik sa normal na pamumuhay ang mga dating rebelde na tumalikod sa armadong pakikibaka sa lalawigan ng Cagayan.

Sa ngayon, ang mga ito ay kawani na ng iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pamamagitan ng Cagayan Employment Assistance Program o CEAP.

Ang inisyatibong ito ay alinsunod sa ibinabang utos ni Cag. Gov. Manuel Mamba na tulungan ang mga former rebels na makapamuhay muli ng normal.


Bukod dito, sa pamamagitan ng programa ay naniniwala si Gov. Mamba na marami pa ang susuko at magbabalik loob sa pamahalaan.

Ang mga nagtatrabaho ng rebelde ngayon ay mga naunang sumuko nitong unang quarter ng taong 2024 sa 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Cagayan PNP.

Facebook Comments