ππ€πŠπ€π–π€π 𝐒𝐀 π’πˆπ‹π‹π€π–πˆπ“, π“π€π‹π€πŒπ€πŠ

 

CAUAYAN CITY- Isa sa malaking suliranin ng Brgy. Sillawit ay ang mga naitatalang insidente ng nakawan sa lugar.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Romualdo Cuagdan Jr., mga kabataan o menor de edad ang kadalasang sangkot sa nakawan kung saan ang pinakabata ay nasa edad 13-anyos.

Aniya, mga tindahan ang madalas na pinupuntirya ng mga ito kabilang na rito ang isang vape shop na nakuhanan ng labing walong libong piso.


Bilang hakbang, pinapaalalahanan ang mga may-ari ng tindahan na maging maingat at siguraduhing nakakandado ang kanilang pwesto bago iwanan.

Kaugnay nito, nagroronda rin ang mga Barangay Tanod hanggang alas 3 ng umaga upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.

Facebook Comments