𝐏𝐑𝐄𝐒𝐘𝐎 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐍𝐆𝐔𝐒 𝐒𝐀 𝐂𝐀𝐔𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐂𝐈𝐓𝐘, 𝐓𝐔𝐌𝐀𝐀𝐒

Muling tumaas ang presyo ng bangus habang nanatili naman sa dating presyo ang ilang isda dito sa pamilihan ng Lungsod ng Cauayan.

Sa ating nakuhang impormasyon mula sa isang Fish vendor sa palengke, umakyat sa 190 hanggang 180 pesos ang kada kilo ngayon ng bangus mula sa dating presyo na 170 to 160 pesos per kilo.

Tumaas umano ang presyo ng Bangus dahil wala nang gaanong supply nito na inaangkat pa mula sa Dagupan.

Bukod dito ay dahil sa nagtaas rin ng presyo ang mga supplier sa Dagupan at mahal na presyo ng gasolina.

Kaugnay nito ay hirap na rin ang mga fish vendors sa pagkuha ng mga ibebentang bangus dahil sa kakulangan ng supply nito.

Kasabay ng paggalaw ng presyo ng Bangus ay naging matumal rin ang bentahan ng mga mga naglalako ng isda.

Samantala, pinakamabenta ngayon sa fish section ang Galunggong na nananatili sa presyong 120 pesos per kilo at Tilapia na 130 pesos per kilo.

Ilan naman sa presyo ng isda tulad ng Dalagang Bukid ay pumapatak sa 280 pesos per kilo; Sapsap 140 pesos per kilo; Salmon head 160 pesos per kilo; Pusit 140 pesos per kilo at nasa 120 pesos kada kilo naman ng Tahong.

Facebook Comments