𝐏𝐑𝐈𝐃𝐄 𝐂𝐎𝐒𝐓𝐔𝐌𝐄 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐃𝐄, 𝐈𝐒𝐀𝐒𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐔𝐍𝐆𝐒𝐎𝐃 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐈𝐀𝐆𝐎

 

CAUAYAN CITY- Bilang bahagi ng pagdiriwang sa Pride Month, gaganapin ang Pride Costume Parade sa ika-22 ng Hunyo sa Lungsod ng Santiago.

Ang naturang kompetisyon ay bukas sa lahat ng miyembro ng LGBTQIA+ sa lungsod kung saan maaaring sumali anumang edad.

Kinakailangan lamang na magpresinta ng mga kaukulang dokumento tulad ng Certificate of Residency, CEDULA, at fully accomplished registration form.


Limampung (50) participants naman ang pipiliin kung saan may karapatan ang organizer na i-disqualified ang mga participants na nakainom at nagpakita ng hindi kaaya-ayang pag-uugali.

Hindi na rin papayagang makasali sa kompetisyon ang mga kalahok na mahuhuli sa event kaya’t inaabisuhan ang lahat na maging maaga sa pagdalo sa naturang aktibidad.

Facebook Comments