#๐๐‘๐Ž๐‰๐„๐‚๐“๐•๐ˆ๐’๐ˆ๐Ž๐๐๐Ž๐’๐’๐ˆ๐๐‹๐„ ng isang Sangguniang Kabataan, Nagbigay ngiti sa mga Mag-aaral

44

Cauayan City, Isabela- Bilang tugon sa โ€˜online classโ€™ na bahagi ng new normal namigay ng libreng anti-radiation eyeglass ang isang Sangguniang Kabataan Chairperson ng Barangay Sta. Catalina, City of Ilagan, Isabela.

Kasabay ito ng kanyang inilunsad na ๐™‹๐™๐™Š๐™…๐™€๐˜พ๐™ ๐™‘๐™„๐™Ž๐™„๐™Š๐™‰ ๐™‹๐™Š๐™Ž๐™Ž๐™„๐˜ฝ๐™‡๐™€ na may temang โ€˜๐‘ณ๐‘ฐ๐‘ฎ๐‘ป๐‘จ๐‘บ ๐‘ต๐‘จ ๐‘ท๐‘จ๐‘ต๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ๐‘ฐ๐‘ต: ๐‘ณ๐‘จ๐‘ฉ๐‘จ๐‘ต ๐‘บ๐‘จ ๐‘น๐‘จ๐‘ซ๐‘ฐ๐‘จ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ถ๐‘ต, ๐‘ฒ๐‘จ๐‘บ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ๐‘ฎ๐‘จ ๐‘บ๐‘จ ๐‘ด๐‘จ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ฉ๐‘จ๐‘ฎ๐‘ถ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฌ๐‘ซ๐‘ผ๐‘ฒ๐‘จ๐‘บ๐’€๐‘ถ๐‘ตโ€™


Ayon kay SK Chairman Melvin Pacursa Adurable, posibleng makaapekto ang sobrang pagtutok ng mga mag-aaral sa kani-kanilang gadget kung kayaโ€™t naisipan nito na magkaroon ng paraan para maalagaan pa rin ang paningin ng mga estudyante.

Layunin ng #๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ฉ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฃ๐—ผ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ฏ๐—น๐—ฒ ay ang mapanatili pa rin ang kalusugan ng mga mata ng mag-aaral upang higit nilang matutukan ang kanilang aralin ngayong isang paraan ito ng Department of Education (DepED) para sa mode of class.

Umabot naman sa 70 mag-aaral mula Senior High School at Kolehiyo ang nabiyayaan ng libreng salamin.

Lubos naman ang pasasalamat ni Adurable sa kanyang kapwa miyembro ng Sangguniang Kabataan maging ang ilang boluntaryong tumulong para matupad ang proyektong nagbigay ngiti sa mga mag-aaral gaya ng magkapatid na sina Marris Guitering na isang Nurse at Donna Guitering na isang IT Consultant, mga taong nasa likod ng libreng pamimigay ng salamin.










Facebook Comments