𝐏𝟔𝟎-𝐊 𝐖𝐀𝐓𝐄𝐑 𝐏𝐔𝐌𝐏 𝐒𝐘𝐒𝐓𝐄𝐌 𝐍𝐆 𝐁𝐑𝐆𝐘. 𝐔𝐍𝐈𝐎𝐍, 𝐍𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐍𝐀

 

CAUAYAN CITY- Nakumpleto na ang proyektong water pump system sa Brgy. Union sa Lungsod ng Cauayan.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Melvin Antonio, animnapung libong piso ang inilaang badyet para sa pagpapatayo nito kung saan inabot lamang ito ng ilang araw bago natapos.

Layunin ng proyekto na mabigyan ng pagkukunan ng tubig ang mga mag-aaral na kindergarten sa kanilang barangay upang hindi na sila mahirapan pa sa pagkuha ng tubig.


Bukod sa mga mag-aaral ng kindergarten, makikinabang rin ang bagong tayong barangay hall sa nasabing water pump system.

Sa ngayon ay nagagamit na ng mga mag-aaral ang proyekto at laking tuwa naman nito ng mga opisyal dahil naisakatuparan na ang isa sa kanilang mga proyekto para sa barangay.

Facebook Comments