𝐒𝐔𝐑𝐕𝐄𝐈𝐋𝐋𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐒𝐘𝐒𝐓𝐄𝐌 𝐒𝐀 𝐋𝐔𝐍𝐆𝐒𝐎𝐃 𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐔𝐀𝐘𝐀𝐍, 𝐌𝐀𝐒 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐒𝐈𝐍

Cauayan City – Plano pang palakasin ng lokal na pamahalaan ng Cauayan City ang surveillance system sa lungsod sa pamamagitan ng pagdaragdag ng CCTVs.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Cauayan City Mayor Hon. Jaycee Dy, sinabi nito na prayoridad nilang lagyan ng surveillance cameras ang mga highly populated areas sa lungsod.

Kabilang sa mga areas na ito ay ang lugar kung saan maraming business establishments, at mga matataong lugar kung saan madalas makapagtala ng insidente ng krimen.


Ayon kay Mayor Jaycee Dy, hindi na nila isasapubliko kung saan eksaktong ilalagay ang mga CCTV Cameras upang maproteksyunan ang mga ito, ngunit ikakabit nila ang mga surveillance cameras sa mga estratehikong lugar sa lungsod.

Dagdag pa ng alkalde, sa pamamagitan ng pagpapalakas ng surveillance system ay mas magiging epektibo pa ang pagsukol sa mga indibidwal na gumagawa ng iba’t-ibang klase ng krimen sa lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments