Kinilala ang drayber ng trailer truck na si Jayrald Escopete Bismonte, 31-taong gulang, at residente ng Northville 9, Iba o Este, Calumpit Bulacan.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMAJ Oscar Abrogena, hepe ng Bagabag Police Station, nawalan umano ng preno sa pababang bahagi ng daan ang sasakyan at dahil mabilis ang takbo nito ay nawalan ito ng kontrol sa manibela kung kaya’t bumanga ito sa right shoulder lane at bumaliktad bandang alas 10:30 ng gabi noong Setyembre 6,2022.
Tumilapon sa daan ang mahigit 30 piraso poste ng kuryente na karga ng sasakyan.
Nagtamo naman ng konting sugat at gasgas ang drayber at pahinante na nilapatan rin agad ng paunang lunas ng mga rumespondeng Bagabag BFP-EMS.
Samantala, ayon pa kay PMAJ Abrogena, ang sasakyan na naroroon pa sa pinangyarihan ng insidente ay bigla naman nagliyab dahil umano sa electrical fault bandang alas 6:00 ng umaga kanina, Setyembre 7, 2022.