𝗔𝗖𝗧𝗢 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗪𝗜𝗗𝗘, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗟𝗜𝗡𝗔𝗪 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗬𝗔𝗥𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗩 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Binigyang linaw ng Alliance of Conceredn Transport Organization o ACTO Nationwide ang tungkol sa pagpapa consolidate ng mga PUV.

Dahil sa mga hinaing umano, na mataas ang kanilang binabayaran sa pagpapa consolidate, ipinaliwanag ni ACTO Nationwide President Liberty De Luna, kung saan nga ba napupunta ang binabayaran.

Ayon kay De Luna, ang kanilang babayaran ay ganoon din sa kanilang binabayarang accessment kung sakaling mag-extend ng limang taon bilang mga operator.

Pinabulaanan din ang mga haka-hakang walang pera ang mga transport groups na tumataliwas sa PUV consolidation, dahil sila mismo na wala ring pera ay nakagawa ng paraan upang makapag consolidate. Gayundin, ang isyu na may tinatakot daw sa mga hindi nakakapag consolidate.

Tutol din ang ACTO Nationwide sa planong pagpapatigil ng mga nasabing transport groups sa pagpapatigil ng mga ito ng tuluyan laban sa PUV Consolidation, na sumasang-ayon sa Philippine Clean Air Act.

Matatandaan, hanggang ika-30 ng Abril ang pinalawig na deadline ng PUV Consolidation Program. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments