Dapat umanong tutukan ng bagong kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagtatayo ng karagdagang silid aralan ayon sa National Parent and Teacher Association o NPTA.
Sa sa panayam ng IFM Dagupan kay NPTA Executive Vice President Lito Senieto, iminungkahi nito na dapat alamin kung ilang silid aralan na sa bansa ang naipatayo o kasalukuyang ginagamit ng mga mag-aaral.
Wala umano kasi silang narinig na solusyon sa kakulangan ng classroom sa bansa sa loob ng dalawang taon.
Aniya, bawat taon ay tumataas ang bilang ng mga mag-aaral na nagpapa-enroll sa mga pampublikong paaralan kung kaya’t dapat na masiguro na may sapat na silid aralan para sa mga ito.
Maliban sa karagdagang silid aralan kinakailangang din umanong suriin ang kasalukuyang kurikulum at pag implementa ng learning methods upang mapataas ang kalidad ng edukasyon sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨