Iginiit ni Act Partylist Representative France Castro na kinakailangan pa ring busisiin ang paggamit ng intelligence fund ng Office of the Vice Presidente ng aabot sa 40 million pesos sa loob lamang ng 11 araw.
Sa ekslusibong panayam ng iFM Dagupan kay Castro, bagamat may isang kongresista na nagsasabing hindi na ito kailangang pag-usapan, binigyang diin nito na dapat usisain ang ganitong usapin dahil isa ito sa batayan upang maaprubahan ang budget ng naturang opisina.
Ayon Kay Castro kahit pa ito ay nangyari noong 2022 kukuwes
tyunin pa rin ito ng Commission on Audit o COA.
Gayunpaman, magpapatuloy ang isinasagawang pagdinig sa pag-apruba ng budget ng OVP kabilang na ang pagbusisi sa kontrobersyal na 10 milyong pisong halaga para sa librong ‘Isang Kaibigan’. |๐๐๐ข๐ฃ๐๐ฌ๐จ