Wednesday, February 4, 2026

𝗔𝗗𝗩𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗢𝗥𝗗𝗘𝗥𝗦 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗟𝗔𝗞𝗟𝗔𝗞 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗨𝗦𝗢, 𝗠𝗔𝗧𝗨𝗠𝗔𝗟

Cauayan City – Matumal ang bentahan ng bulaklak sa lungsod ng Cauayan ilang araw bago ang Araw ng mga Puso.

Ibinahagi ni Revy Manipon, may-ari ng isang flower shop, na kakaunti pa ang mga nagpapreserve ng bulaklak. Ayon sa kanya, karamihan sa mga bumibili at nagpapareserve sa kanila ay mga estudyante.

Sa kasalukuyan, ang presyo ng imported rose ay nagkakahalaga ng ₱400 kada bouquet, ang regular na rosas ay ₱100 bawat piraso, ang tatlong piraso ng rosas ay nasa ₱500, at ang sunflower naman ay ₱400 kada bouquet.

Ayon kay Manipon, inaasahan niyang tataas ang kanyang benta mula February 10 hanggang 14.

‎‎—————————————
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
Facebook Comments