Agarang isinagawa ang Mass Anti-Rabies Vaccination sa bayan ng Mangaldan matapos ang insidenteng pagkakakagat ng tutang may rabies sa pitong residente sa bayan ng Mangaldan.
Ayon sa Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory, nagpositibo sa sakit na rabies ang tuta na kumagat sa ilang residente sa isang barangay sa nasabing bayan kaya naman agad ding nabakunahan ang mga naging biktima.
Sa ngayon ay nasa mabuti nang kalagayan ang pitong biktima at patuloy na nakaantabay ang pamunuan ng Municipal Health Office ng bayan.
Samantala, kasabay pa ng mass vaccination ang pagbabahagi rin ng kaalaman ukol sa rabies upang mas maging alerto ang mga ito, at hinimok pa ng LGU ang mga residente lalong lalo na ang mga pet owners na maging responsable at gawin ang mga nararapat na aksyon upang makaiwas sa animal bite cases. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨