𝗔𝗚𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗗𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘, 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗚𝗔𝗟𝗟𝗢𝗡

Plano ngayong mas palakasin pa ng hanay ng kapulisan sa bayan ng Bugallon ang agarang pagresponde sa iba’t-ibang insidente.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Bugallon Police Station Chief of Police PMaj Arturo Melchor Jr., inihahanda na ang planong pagkakaroon ng standpoint areas sa mga exit point ng bayan.

Layon nitong matugunan ang iba’t-ibang mga nangangailangan ng tulong sa gitna ng emergency, krimen at iba pa lalo na sa malalayong mga barangay sa Bugallon.

Tiniyak din nito ang full deployment ng mga kapulisan bente kwatro oras lalo na sa mga lugar kung saan talamak ang pinangyayarihan ng krimen.

Samantala, inaasahang paiigtingin pa ang police presence at visibilty sa bayan kasunod ng direktiba mula sa Pangasinan PPO. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments