𝗔𝗚𝗥𝗜𝗖𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔𝗟 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗖𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢

Patuloy na nararanasan ang pagsipa sa presyo ng ilang agricultural products sa mga pamilihan sa lungsod ng Dagupan.

Bagamat mayroong nabibiling P45 na kada kilo ng bigas ay ayon sa mga consumers, mataas pa rin ito para sa kanila bilang isang ordinaryong Pilipino lamang.

Ilang linggo na ring nararanasan ang mataas na presyo ng itlog kung saan nasa halos pitong piso (P7) ang pinakamababang mabibili sa merkado. Tumaas ito ng dalawang piso kumpara sa dating presyuhan na naglalaro lamang sa limang piso kada piraso.

Inaasahan ng mga Dagupeño sa katatapos na SONA na ang mga plano ng pamahalaan ay agad na maisasakatuparan upang maramdaman umano ang Bagong Pilipinas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments