Umabot na sa 303 ang alagang cattle at buffalo ang nasa Laoac Dairy Farm sa kasalukuyan.
Ito ay dahil sa tuluyang reproduction ng mga baka na nagmula sa National Dairy Authority noong nakaraang taon.
Ayon kay Provincial Agriculturist Dalisay Moya, tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan noong September 2023 ang limampung buntis na baka na naparami sa naturang pasilidad.
Nakatakdang ilipat ang 219 na kalabaw mula rito sa bagong livestock facility na matatagpuan sa Brgy. Botigue, Laoac.
Nilinaw din ng opisyal na kakayanin pa ng kapasidad ng Laoac Dairy Farm dahil wala pa ito sa maximum capacity at patuloy na palalakasin ang dairy milk production sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments