𝗔𝗟𝗜𝗖𝗔𝗢𝗖𝗔𝗢 𝗔𝗧 𝗠𝗜𝗡𝗔𝗧𝗘 𝟮, 𝗡𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗜𝗡𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡𝗔𝗡

CAUAYAN CITY – Mainit na labanan ang nangyari sa pagitan ng Barangay Alicaocao at Barangay Minate 2 sa basketball tournament na naganap kahapon, ika-2 ng Hunyo, sa FLDY Coliseum, Cauayan City, Isabela.

Nakuha ng Minate 2 ang 4 points advantage sa unang dalawang minuto ng laro kung saan binawi ng Alicaocao ang bentahe sa pagtatapos ng first quarter.

Mas naging mainit pa ang labanan ng dalawang barangay sa second at third quarter dahil sa dikit na score ng mga ito.


Sa huling quarter ng laro, lamang ang Alicaocao ngunit nagawa pang ipantay ng Minante 2 sa huling natitirang dalawang minuto sa iskor na 69-69.

Sa huli, tinapos ng Minante Dos ang laro sa score na 72-80.

Facebook Comments