Nananawagan ang alkalde ng Lungsod ng San Carlos sa mga kabataan sa siyudad na makilahok ang mga ito sa mga aktibidad ng simbahan.
Inihayag ni Mayor Julier Ayoy Resuello ang panawagang ito sa ginanap na Cultural-Historical Show Presentation isang akbitidad bilang pagpupugay at pagsiselebra sa unang taong Anibersaryo ng Minor Basilica of St. Dominic de Guzman na matatandaang idineklara ni Pope Francis sa Roma ang simbahan ng St. Dominic bilang kahuli-huliang simbahan na itatalagang Minore Basilica.
Napansin aniya na ang mga kabataan ngayon sa lungsod ay nawiwili na sa mga laro sa gadgets gaya ng DOTA o ML na kung saan nakakalimutan na ang mga nakagawiang laro.
Kaya’t dahil dito hinihikayat ng alkalde ang mga kabataan na sana mas tangkilikin at maging “more participative” sa mga aktibidad ng simbahan maging ng mga kabataan sa kanilang mga kakilala.
Sinasabi, aniya, ng iba na ang mga kabataan ang kinabukasan ng bayan ngunit hindi siya pabor dito dahil ang mga kabataan ay hindi na kinabukasan, ang mga kabataan na aniya ang ngayon ng bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨