𝗔𝗟𝗟𝗜𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗢𝗙 𝗖𝗢𝗡𝗖𝗘𝗥𝗡𝗘𝗗 𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗢𝗥𝗚𝗔𝗡𝗜𝗭𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢 𝗔𝗖𝗧𝗢 𝗜𝗡𝗧𝗔𝗖𝗧 𝗔𝗧 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗠𝗔𝗟𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗩 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Intact at walang kumalas sa mga miyembro ng Alliance of Concern Transport Organization o ACTO Nationwide sa usapin ng PUV Consolidation.

Ito mismo ang kinumpirma sa IFM News Dagupan ni ACTO National President Liberty de Luna.

Ayon kay de Luna, pawang mga miyembro ng Piston at Manibela ang mga kumakalas maging mga napaniwala ng mga lider ng mga ito.

Hindi rin totoo aniya ang sinasabi na tinakot lang ang iba parang mag member sa PUV Consolidation.

Aniya ang palugit na hanggang Abril 30 at pabor sa dalawang nasabing transport group at wala ng extension ito.

Tiniyak naman ni de Luna na sapat ang bilang ng mga transport sector na nagbibiyahe sa mga commuters sakaling matuluyang na hindi na makapamasada ang mga hindi pa miyembro ng PUV Consolidation. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments