𝗔𝗟𝗟𝗢𝗪𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗜𝗡𝗖𝗥𝗘𝗔𝗦𝗘 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗜𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗔

Naipamahagi na sa mga Barangay workers sa Dagupan City ang kanilang allowance increase ngayong buwan bilang pagbibigay importansya sa kanilang gampanin sa komunidad.

Ang karagdagan allowance na ito ay inimplementa kahapon kung saan buwan buwan itong matatangap ng mga barangay workers.

Epektibo ang adjustments na ito sa mga hanay ng Barangay Service Point Officers (BSPO), Barangay Librarians, at Barangay Nutrition Scholars (BNS) kung saan mula sa P2,000 ay P6,000 ang matatanggap.

Ang Barangay Health Workers (BHW) naman makatatanggap ng PHP 5,900 mula sa dating PHP 1,900, PHP 3,000 naman para sa Barangay Tanods mula sa dating PHP 1,200

Habang ang Day Care Workers naman ay makatatanggap na ng PHP 8,400 na allowance mula sa dating PHP 6,000. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments