𝗔𝗠𝗔, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗬𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗥𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗔𝗞

Cauayan City – Sa loob ng piitan mamalagi ang isang lalaki matapos itong maaresto ng mga awtoridad kahapon ika-3 ng Hunyo sa bayan ng Cordon, Isabela.

Ang suspek ay kinilalang si “Randy”, 37 anyos, residente ng Brgy. Ligaya, Aglipay, Quirino at itinuturing bilang ikatlo sa Most Wanted Person sa buong Rehiyon Dos matapos nitong gahasain ang kanyang sariling anak.

Nangyari ang panggagahasa noong ika-27 ng Setyembre taong 2022, at nasundan pa noong ika-15 ng Oktubre taong 2023 at Ika-28 ng Enero taong kasalukuyan.


Sa bisa ng Warrant of Arrest, tagumpay na nadakip ang suspek na nahaharap sa kasong Rape at Rape by Sexual Assault.

Sa ngayon, ang suspek ay nasa kustodiya ng Cordon Police Station para sa dokumentasyon.

Facebook Comments