𝗔𝗠𝗘𝗡𝗗𝗠𝗘𝗡𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗢𝗧𝗛𝗘𝗥 𝗔𝗡𝗗 𝗖𝗛𝗜𝗟𝗗 𝗛𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟 𝗥𝗘𝗦𝗢𝗟𝗨𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗔𝗣𝗥𝗨𝗕𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔!

Unanimous ang naging resulta ng botohan sa ginanap na special session kahapon ng Sangguniang Panlungsod ng Dagupan para sa mga amendments na kinakailangan upang tuluyang maipasa ang resolusyon na pumapatungkol sa pagpapatayo ng mother and child hospital.

Sa draft resolution number R-6429 na ipinasa ng konseho, nilalaman nito ang ilang pagbabago sa orihinal na nakapaloob sa pagpapatayo ng nasabing pasilidad na mother and child hospital. Ilan lamang dito ang pagdetermina ng magiging pinal na lokasyon ng building, disenyo, at supplemental annual investment program at budget na kinakailangan.

Sa pahayag ni Minority Floor Leader Michael Fernandez, napapanahon umano ang pagkakapasa ng nasabing panukala ngayong national breast cancer awareness month.

Samantala, binigyang diin ni Mayor Belen Fernandez na ang pangunahing layunin ng pag-sang-ayon nito sa naging amendments mula sa unang proposal ay upang maisakatuparan na ang libreng medikal na kinakailangan ng mga nanay at kanilang mga anak na hirap sa buhay.

Itatayo ang mother and child hospital sa lumang LTO Dagupan City Building na magkakaroon ng nasa 25 hospital bed capacity na may kabuuang 150 million pesos na pondo na magmumula sa Department of Health. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments