
Cauayan City – Bukas na sa publiko ang Festival Grounds o Amorè Park sa lungsod ng Cauayan bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Arts Month at Happy Hearts Month.
Layunin ng lungsod na itaguyod ang pagmamahal, pagkamalikhain, at mas matibay na ugnayan ng komunidad sa pamamagitan ng bagong pasyalan na ito.
Ayon sa pamahalaang lungsod, bukas ang Amorè Park sa publiko mula alas-6 ng gabi hanggang alas-9 ng gabi.
Samantala, dumalo sa opening ceremony si Cauayan City Mayor Jaycee Dy Jr., Vice Mayor Benjie Dy, at iba pang mga opisyal ng lungsod na nakiisa sa pagbubukas ng bagong pampublikong lugar.
Source and Photo Courtesy: Cauayan City Local Government
—————————————
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










