Wednesday, February 4, 2026

𝗔𝗡𝗔𝗞 𝗡𝗜 𝗖𝗥𝗢𝗪𝗡 𝗣𝗥𝗜𝗡𝗖𝗘𝗦𝗦 𝗠𝗘𝗧𝗧𝗘-𝗠𝗔𝗥𝗜𝗧, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗢 𝗕𝗔𝗚𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗔𝗣𝗘 𝗧𝗥𝗜𝗔𝗟

Cauayan City – Muling inaresto ng pulisya ng Norway si Marius Borg Hoiby, 29, anak ng Crown Princess Mette-Marit, habang naghahanda siyang humarap sa paglilitis sa Oslo kaugnay ng 38 kaso, kabilang ang umano’y panggagahasa sa apat na babae.

Ipinag-utos ng korte ang apat na linggong detensyon matapos sabihin ng awtoridad na may panganib ng muling paglabag sa batas.

Ayon sa pulisya, kasama sa pinakabagong alegasyon ang paggamit ng kutsilyo at paglabag sa restraining order. Ito na ang ikaapat na beses na na-detain si Høiby mula August 2024.

Bagama’t itinanggi niya ang pinakamabibigat na paratang, umamin siya sa ilang mas magagaan na kaso, kabilang ang mga kaugnay sa droga at trapiko.

Kasabay ng kaso, nahaharap sa batikos ang Crown Princess matapos mabunyag ang kanyang pakikipag-ugnayan sa yumaong sex offender na si Jeffrey Epstein sa loob ng tatlong taon.

Inamin ni Mette-Marit ang “poor judgement,” at humingi ng paumanhin sa publiko.

‎Bagama’t hindi opisyal na miyembro ng royal family si Høiby, iginiit ng mga kritiko na mananatiling may pananagutang pampubliko ang Crown Princess bilang future queen ng Norway.

Sa isang pahayag, nagpaabot naman si Crown Prince Haakon ng pakikiramay sa mga biktima at kanilang mga pamilya.

—————————————

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments