Lubog sa baha ang anim na barangay ng Mangatarem, Pangasinan dahil sa pag-apaw ng Agno River dulot ng pag-uulan na dala ng bagyong Kristine.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Mangatarem Mayor Ramil Ventanilla, kinabibilangan ng Suaco, Cabaruan, Bontong Niog, Bontog Centro at Bontog Bolo ang nakakaranas ng pagbaha.
Umapaw rin ang ilog na dumadaloy sa bahagi ng Brgy. Pampano at tanging ang mga residenteng gamit ang kuliglig ang nakakaraan.
Sa kabila nito, walang naitalang evacuees ang Mangatarem. Nag-umpisa nang magpamahagi ng relief food packs ang lokal na pamahalaan.
Kaugnay nito, patuloy na nakaantabay ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council sa mga apektadong lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments