Nasa anim na piso na ang binawas sa presyo ng bigas kada kilo sa loob ng dalawang linggo sa ilang pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan.
Malaking bahagi ang bawas presyo na ito lalo umano sa mga manggagawang sapat lamang ang sinasahod at para may nakahain na lutong kanin sa loob ng kanilang mga tahanan.
Sa ilang bayan tulad sa ilang pamilihan sa Calasiao, makikitaan ang mga ito ng nasa ₱48 kada kilo ng bigas kung ikukumpara umano dati na nasa ₱50 at higit pa ang kada kilo.
Sa mga susunod na linggo, asahan pa umano ang pagbaba pa ng presyo ng bigas sa mga pamilihan ayon sa mga rice retailers dahil sa patuloy na pag-aani ngayon ng palay ng mga magsasaka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments