Tututukan ng Pamahalaang Panlungsod ng San Fernando, La Union ang pagpapatupad ng anti-bullying campaign bilang pagprotekta sa kanilang mental health ng kabataan.
Nakatakdang isagawa ang school-based child seminars na tumatalakay sa bullying, mga panganib na maaring dulot ng social media at pagrereport sa kaso ng karahasan o pang-aabuso sa mga kabataan.
Kabilang din sa kampanya ang pagtatatag ng Comprehensive Emergency Response Program for Children sa mga LDRRM Plan and Budget upang makamit ang zero incident ng Child Abuse and Exploitation at bully-free environment sa lungsod.
Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang bawat magulang sa maagap na pagpaplano para sa kinabukasan ng kanilang mga anak. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments