Inumpisahan na ang pagsasagawa anti-dengue misting operation sa mga paaralan sa lungsod ng Dagupan bago ang pagsisimula ng pasukan sa susunod na linggo.
Pinangunahan ng City Health Sanitation Division Team ang isinagawang misting operation sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.
Layunin nito matiyak ang kaligtasan ng mga bata sa kanilang pagbabalik eskwela laban sa sakit na dengue.
Kaliwa’t kanan din ang isinasagawang misting operation sa mga bara-barangay maging sa mga pampublikong pamilihan ng lungsod.
Samantala, pumalo na sa 44 kaso ng dengue sa Dagupan City ang naitala mula sa unang buwan ng taon hanggang sa kasalukuyan.|𝙄𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments