𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗔𝗦𝗣𝗜𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗡𝗗𝗜𝗗𝗔𝗧𝗘𝗦, 𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗗𝗜𝗗𝗔𝗧𝗨𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗖 𝗙𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Hindi na pinatagal pa ng ilang aspiring candidates sa pagka bokal at kongresista ang paghahain ng certificate of candidacy sa unang araw ng filing kahapon.

Tulad na lamang ni Incumbent 2nd District Board Member Philip Cruz na maagang nagpunta sa opisina ng COMELEC at kauna-unahang nagfile ng COC sa lalawigan at susubok muli sa pangalawang termino nito.

Kabilang din sa mga naghain sa unang araw ay sina Incumbent 5th District of Pangasinan Congressman Ramon Guico Jr. para sa ikalawang termino nito sa pagka-kongresista.

Magkasabay naman na naghain sina Incumbent 5th District Board Member Nicholi Sison at partner nitong aspiring candidate sa pagka-Board Member na si Jesus Basco.

Aminado ang mga nabanggit na personalidad na nagawa nila ang kanilang tungkulin sa loob ng tatlong taon na dahilan kaya positibo ang kanilang pananaw sa nalalapit na eleksyon.

Mababatid na ang apat na aspiring candidates ay parehong nasa ilalim ng LAKAS- Christian Muslim Democrats Party ang mga ito at mananatili sa naturang partido sa 2025 Midterm Elections. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments