𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗖𝗛𝗜𝗟𝗗 𝗔𝗕𝗨𝗦𝗘

Arestado sa bisa ng warrant of arrest at isinagawang manhunt operation sa Brgy.Pantal,Dagupan City ang apat na binatilyo dahil sa kasong paglabag sa RA 7610 o Child Abuse.

Tinago ang pagkakakilanlan ng mga suspek bilang 18 anyos sina alyas ‘Dweg’ at alyas ‘ Onyok’, 19 anyos si alyas ‘Doggie’ at alyas ‘Nonong’ 21 anyos pawang residente ng Brgy. Bonuan Gueset sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa awtoridad, responsable umano ang mga binatilyo sa pambubugbog sa isang menor de edad noong Disyembre taong 2023. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments