𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗔𝗧 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗨𝗡𝗜𝗦𝗜𝗣𝗔𝗟𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗩𝗘𝗧𝗘𝗥𝗜𝗡𝗔𝗥𝗬 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗥𝗔𝗕𝗜𝗘𝗦

Mahigpit na binabantayan ngayon Provincial Veterinary Office (OPVet) ang apat na lungsod at tatlong munisipalidad sa Pangasinan matapos makapagtala ng nakaaalarmang pagdami ng kaso ng rabies.

Sa datos ng OPVET, binabantayan ang bayan ng Mangaldan, Urbiztondo, Malasiqui, Urdaneta City, Dagupan City, Alaminos City, at San Carlos City sa lalawigan dahil mayroon silang mga naitalang kaso ng rabies.

Sa impormasyon, mula Enero 1 hanggang Disyembre 10 ngayong taon, nakapagtala na ang OPVet ng 49 na kaso ng rabies, o katumbas ng 40-porsiyento na mas mataas kumpara sa 35 na kaso lamang noong 2022 na naitala sa parehong panahon.

Sa Lungsod ng Dagupan, regular na umiikot ang mga kawani ng City Health Office sa pangunguna ni City Vet Dr. Daniel Garcia sa bawat barangay para magsagawa ng monitoring o bantayan ang mga hindi naiulat na kaso ng rabies sa pagamutan.

Maaaring makakakuha ng bakuna ng anti-rabies sa tanggapan ng CHO.

Kung ang isang tao ay nakagat, pinapayuhan ang mga pamilya na agad na dalhin ang pasyente sa pinakamalapit na Animal Bite Center.

Dahil dito puspusan ang isinasagawang pagbabakuna ng pamahalaang panlalawigan katuwang ang OPVET sa mga bayan bayan sa lalawigan.

Hinihikayat ang mga pet owners na alalahanin ang pagbabakuna sa mga inaaalagaang hayop upang hindi makapaminsala. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments