𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗧𝗔𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗔𝗖𝗜𝗡𝗧𝗢, 𝗞𝗥𝗜𝗧𝗜𝗞𝗔𝗟 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜𝗣 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧𝗨𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang isang apat na taong gulang na bata matapos itong mahagip ng natumbang motor sa bayan ng San Jacinto.
Naganap ang aksidente pasado alas nuebe ng Umaga sa Barangay Lobong habang naglalakad ang biktima kasama ang kanyang ina nang may isang motor na minamaneho ng isang Leo Neri nang biglang natumba ito matapos mawalan ng kontrol sa manibela pagkatapos mag over take.
Bagamat nahulog ang driver ng motor ay nagpatuloy pa din sa pagsadsad ang motor nito hanggang sa mapunta ito sa kabilang kalsada kung saan naglakad ang biktima at nabangga ito.

Dahil dito ay nagtamo ng mga sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang bata maging si Neri na agad namang naisugod sa pagamutan upang malapatan ng paunang lunas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments