Nasa higit tatlong libong mga indibidwal sa Region I ang naitalang naapektuhan ng Bagyong Kristine.
Sa datos ng Office of the Civil Defense Ilocos, katumbas ng 3, 273 individuals ang 1, 021 na mga pamilya.
Mahigit limang daan pamilya dito ay mula sa Pangasinan na katumbas ay 1, 984 indibidwal, 14 pamilya katumbas ng 41 indibidwal sa Ilocos Sur habang mayroong 265 indibidwal din ang naitala mula sa Ilocos Norte.
Nasa 1, 380 na mga indibidwal ang kasalukuyang nasa loob ng mga evacuation centers sa rehiyon habang 39 katao ang outside EC o nakikituloy sa mga kaanak.
Patuloy na nararanasan sa Pangasinan ang epekto ni Bagyong Kristine na kasalukuyang nasa ilalim ng Signal No 2 kasama pa ang Ilocos Sur at La Union. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments