“Wait and see” yan ang naging pahayag ng Archdiocese of Lingayen Dagupan ukol sa mga plano o solusyon na inilatag ng pamahalaan sa mga isyu ng lipunan partikular na sa usapin ng West Philippine Sea.
Kamakailan lamang pinangunahan nito ang isinagawang Marian Prayer Voyage sa Infanta Pangasinan kung saan nasa higit isang libong katoliko ang nakiisa sa panalangin bilang pakikibaka sa karapatan ng mga Pilipino sa West Philippine Sea.
Kahit pa ano pa ang maging hakbang ng pamahalaan magpapatuloy ito sa pagsusulong ng mga hakbangin ng simbahan.
Samantala, nilinaw din nito na ang naturang hakbang ng simbahan ay hindi upang mag-umpisa ng anumang paghahamok sa pamahalaan bagkus hiling ay pagkakaisa ng taong bayan para sa karapatan ng bawat Pilipino. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨