Tatlong medalya ang inuwi ng isang arnisador mula sa World Arnis Championship na ginanap sa Mandaue City.
Ipinamalas ni Jherome Pantanilla ang kaniyang galing sa Padded Point ( Heavyweight Category) kung saan siya ay second place at third place naman sa Single Stick – Livestick at Knife Point (Heavyweight Category).
Pinatunayan nito na hindi hadlang ang pagkakaroon ng kapansanan upang mamayagpag sa larangan ng Arnis.
Higit isang taon pa lamang itong sumabak sa naturang sport nagsimula sa Campus Olympics ngunit hindi matatawaran ang kaniyang ipinamalas na kagalingan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments