
Cauayan City – Muling naiangat ng Pilipinas ang bandera sa world stage matapos maging kampeon ang Aurora Gaming sa M7 World Championship ng Mobile Legends makaraang walisin ang Alter Ego ng Indonesia sa grand finals.
Ipinakita ng Aurora Gaming ang solid game at disiplina sa buong serye kung saan nagtala sila ng 4-0 sweep laban sa koponan ng Indonesia.
Samantala itinanghal na Finals MVP si Dylan Aron Catipon o mas kilala bilang light ang roamer ng Aurora gaming.
Malaki ang naging papel ni Light sa panalo ng koponan sa pamamagitan ng kanyang mahusay na rotations, clutch plays, shot-calling.
Sa tagumpay na ito, muling pinatunayan ng Pilipinas ang lakas nito sa larangan ng Mobile Legends at ibinalik sa bansa ang titulo ng world champion sa M7 World Championship.
———————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan
Facebook Comments










