𝗔𝗨𝗧𝗢𝗠𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗖𝗢𝗨𝗡𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗖𝗛𝗜𝗡𝗘 𝗗𝗘𝗠𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟱, 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗦𝗨𝗥

Ilulunsad ng Commission on Elections Ilocos Sur ang demonstrasyon ng Automated Counting Machine (ACM) sa mga residente sa probinsya bilang paghahanda sa darating na Halalan 2025.

Dadalhin ang naturang aktibidad sa lahat ng barangay sa lalawigan upang maipakita ang wastong paggamit nito partikular sa kung paano maghain ng boto.

Ibababa ito sa mga bara-barangay pagkatapos ilatag at talakayin ng COMELEC Ilocos ang mga hakbangin at preparasyon tulad ng pagtatakda ng schedule at iba pang may kaugnay pa rin sa eleksyon.

Samantala, inaasahang mas makakampante ang mga botante pagdating sa pagboto ngayong makikita at mismong mararanasan ng mga ito ang proseso ng ACM sakaling maisakatuparan na ang roadshow. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments