Sang ayon din ang grupong AutoPro Pangasinan sa hirit ng ilang transport group tulad ng MANIBELA at PISTON sa magkaroon pa sana ulit ng extension para sa deadline ng consolidation sa December 31,2023.
Ayon kay AutoPro Pangasinan President, Bernard Tuliao, sang ayon ang grupo sa pagpapatupad pa sana ng extension para sa mga jeepney drivers at operators na nahihirapan pa ring makapag-desisyon kung aanib ba ang mga ito o hindi sa mga kooperatiba at korporasyon.
Ngunit kung hindi naman sasama ang mga natira pang individual drivers at operators ay malaking dagok naman sa mga ito ang hindi pag-iisyu sa kanila, kung sakali, ng prangkisa para makapagpasada sa taong 2024.
Bagamat sang ayon sila extension ng PUV Consolidation, malaking porsiyento ng mga PUV sa Pangasinan ay nakapag-consolidate na. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments