𝗔𝗪𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚 𝗔𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗨𝗪𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗔𝗞 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬

Patay ang Isang bente Sais anyos na lalaki matapos itong saksakin ng kanyang sariling ama nang nauwi sa saksakan ang away ng mag ama sa Mangaldan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente sa lugar ng mag ama pasado alas diyes ng Gabi nang pareho Silang umuwi ng lasing at nagpang abot sa kalsada at doon nagtalo.

Nauna umanong hinampas ng bato ng suspek sa kanyang mukha ang tatay nito na agad naman bumawi sa pamamagitan ng paglalabas ng kutsilyo at agad na pinagsasaksak ang biktima.

Nagtamo ng mga saksak sa ibat ibang bahagi ng Katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival habang naka confine din ngayon sa pagamutan ang suspek dahil sa sugat tinamo nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments