𝗔𝗪𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗠𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗚𝗔𝗟𝗟𝗢𝗡 𝗡𝗔𝗨𝗪𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞𝗔𝗡, 𝗜𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬

Namatay habang ginagamot sa pagamutan ang isang lugaw vendor matapos itong saksakin ng dating Barangay Kagawad na nakaalitan nito habang sila ay nagsusugal sa isang lamay sa bayan ng Bugallon.

Ang biktima ay nakilalang si Manuel Sapigao habang ang suspek ay nakilalang si Dennis Victorio, residente rin ng nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon, nasa isang lamay sa Barangay Umanday ang dalawa nang nagkainitan habang nasa sugalan bagamat naawat din naman at umalis na ang suspek.

Subalit pagbalik nito ay armado na ito ng patalim at agad na pinagsasaksak ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na agad namang naisugod sa pagamutan subalit namatay habang ginagamot samantalang tumakas naman ang suspek matapos ang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments