𝗕𝗔𝗕𝗔𝗘𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗝𝗢𝗝𝗢𝗚𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗕𝗜𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜𝗣 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧𝗨𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥

Sugatan at kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan ang 28 anyos na estudyante mula Brgy. Poblacion, Mangaldan matapos mahagip at madamay sa pagdaudos ng isang natumbang motor habang nag jogging sa gilid ng daan.

Base sa kuha ng CCTV sa lugar, nag overtake ang motor na minamaneho ni Alex Bandal sa isa pang motor. Nahagip ni Bandal ang side mirror ng kasabay na motor dahilan para mawalan ito ng kontrol at matumba. Habang tuloy tuloy naman na dumadausdos ang motor nito ay saka nahagip ang nagjojogging na biktima.

Kasalukuyan ding nagpapagaling ang si Bandal sa pagamutan. Negatibo rin ang parehong driver sa alcohol breath test at nakasuot din ng helmet ng mangyari ang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments