𝗕𝗔𝗕𝗔𝗘 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗧𝗔𝗬𝗨𝗚, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗪𝗔𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗦𝗬𝗡𝗗𝗜𝗖𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗘𝗦𝗧𝗔𝗙𝗔

Arestado sa bisa ng warrant of arrest ang 53 anyos na ginang mula sa Brgy. Legaspi, Tayug matapos mapag-alaman na may hinaharap itong walong bilang ng kasong syndicated estafa.

Tinukoy bilang Top 1 Most Wanted sa Municipal Level ang suspek na kinilalang si Norma Barnachea alyas Norma Gabriel. Walang nakasaad na pyansa sa mga kasong isinampa sa suspek.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP Pozorrubio ang suspek at inihahandang ilipat sa korteng nag-isyu ng kaso laban dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments