𝗕𝗔𝗖𝗞𝗥𝗜𝗗𝗘 𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗨𝗘𝗟, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗪𝗜𝗗 𝗡𝗔 𝗔𝗦𝗢

Idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang biktima na si Daisy Villoria, residente ng Guiset Sur, San Manuel matapos magtamo ng major injuries.

Ang biktima, na nakaangkas sa motor na minamaneho ni Ramon Repollo, ay nakasuot ng protective helmet. Ayon sa imbestigasyon, binabaybay ng motor ang kahabaan ng Asingan-San Manuel Road nang biglang may tumawid na aso. Nasagasaan ang aso na siyang dahilan ng pagkawala ng kontrol ng motor.

Dito tumilapon ang biktima at nagtamo ng major injuries. Ang drayber at dalawa pang angkas nitong bata ay nagtamo lamang ng minor injuries. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments