Apektado ngayon ang industriya ng poultry farms sa lalawigan, matapos makumpirma ng Office of the Provincial Veterinary o OPVET ang ilang kaso ng heat stroke sa ilang mga alagang manok.
Kinumpirma mismo ng tanggapan ng OPVET ang mga kaso ng heat stroke sa mga alagang manok na naunang nakikitaan ng sintomas, tulad ng biglaang pagkatumba hanggang sa ang mga ito ay mamatay.
Ayon kay OPVET OIC Dr. Aracely Robeniol, ang mga alagang manok na ito ay exposed diumano sa matinding init ng panahon at hindi madalas umano nabibigyan ng tubig na inumin.
Dagdag pa ng tanggapan, na ang mga naturang kaso ay naitatala mula sa mga backyard poultry farms, dahil ang malalaking poultry farms naman sa lalawigan ay well-ventilated.
Samantala, patuloy ang pagpapaalala ngayong ng tanggapan ng OPVET sa mga poultry farm owners na magpatupad ng mga preventive measures upang hindi na umabot pa sa mas malalang pangyayari.
Sa ibang banda, bagamat matatag ang suplay ng karneng manok ngayon matumal naman umano ang bentahan nito. Ayon sa mga tindera dahil ito sa bahagyang pagtaas ng presyo nito na pumalo ng PHP 200 ang kada kilo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨