“𝗕𝗔𝗖𝗞 𝗧𝗢 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗖𝗔𝗠𝗣𝗔𝗜𝗚𝗡” 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗢𝗦𝗖𝗬, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗚𝗜𝗡𝗜𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗔𝗗𝗢𝗥

Muling iginiit ni Chairperson of the Senate Committee on Basic Education, Sen. Sherwin Gatchalian ang kampanyang ‘back to school’ para sa mga out-of-school children and youth (OSCY) sa bansa.

Kasunod ito ng datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan nasa 10.7M na mga kabataan edad lima hanggang dalawampu’t-apat (5-24) ay natukoy na mga OSCY o mga hindi nakakapasok upang mag-aral.

Aniya, mahalaga na mabigyan ng pagkakataon ang mga OSCY na makapag-aral.

Alinsunod dito, hinikayat ng senador ang Department of Education (DepEd) na mas paigtingin pa ang pag-implementa ng back to school campaign. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments