𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗣𝗔𝗥𝗧𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗢𝗙 𝗝𝗨𝗦𝗧𝗜𝗖𝗘, 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝗢𝗙 𝗧𝗛𝗘 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗣𝗥𝗢𝗦𝗘𝗖𝗨𝗧𝗢𝗥, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡

Cauayan City – Pinasinayaan ang bagong tayong Department of Justice, Office of the City Prosecutor Building sa Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Kasabay ng inagurasyon ay inilunsad rin ng Department of Information and Communications Technology ang kanilang free wifi services.

Bukod pa rito, isinagawa rin ang Memorandum of Agreement o MOA signing ng mga digital business locators sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan ng lungsod, Department of Science and Technology Region 2, Isabela State University, at Office of the City Prosecutor para sa crime mapping sa Cauayan City.


Dumalo naman sa naturang aktibidad sina Department of Justice Undersecretary Hon. Frederick A. Vida, Vice Governor Faustino “Bojie” Dy, III, Board Member Victor Dy at Arco Meris, City Prosecutor na si Prosecutor Rudy Cabrera, Regional Prosecutor Hon. Rommel Baligo, Prosecutor Faustino Cabantac, iba pang mga prosecutors sa buong Rehiyon, at si Cauayan City Mayor Hon. Jaycee Dy.

Facebook Comments